Coleen rumesbak sa nagsabing kulang ang pagkababae

3 years ago 0 Comments

Happily married na since April 2018 ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Isa pa nga sila sa mga favorite couple ng mga fan na inaabangan ang mga sweet post sa social media every now and then.

Kaya sa kasal nina Jay-R (na bestfriend ni Billy) at Mica Javier, present na present ang dalawa na tila sila pa nga ang kinasal ulit sa sobrang sweet.

Parehas sila na may entry sa Instagram kung saan makikitang naglalambingan sila habang nasa kasal nina Jay-R, Mica.

Masaya ang mga fan na makita na sweet ang da­lawa, pero ang umagaw ng atensyon ng karamihan at ni Coleen ay nang may magsabi na tila may kulang sa relasyon nila ni Billy.

“Hi sir @billycrawford I suggest na anak na lang po, maybe, one or twins (clap emoji) yun na lng po kulang. Hopefully girl para make-up vlog sila ni mam @coleen. Thanks!” comment ng isa.

Agad namang sumagot si Coleen, “wala pong ‘kulang’ (smile emoji) everything in God’s time, not other people’s” sagot ni Coleen.

Marami nga ang nakapansin na wala pa silang anak pero dedma lang at sinusuportahan ng mga fan ang dalawa kahit ganon. Kaya bukod pa kay Coleen na may agarang sagot, kinuyog ng iba pang mga netizen ang commenter na iyon dahil ‘wag daw dapat pini-pressure ang sino man na wala pang anak. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/coleen-rumesbak-sa-nagsabing-kulang-ang-pagkababae.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi