Hindi pa rin natatapos ang interes ng mga tao sa Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo wedding. At tingin namin, hindi talaga matatapos pa at tuloy-tuloy pa ang pagka-curious ng mga tao lalo na kung kailan magkakaayos at matatanggap ni Mommy Divine ang dalawa.
Siyempre, inaabangan pa rin kung mabubuntis ba agad si Sarah at kung may apo na, magiging daan ba ito para maging maayos na lahat.
Pero bago ‘yun, ang tanong ngayon, saan daw tumuloy sina Matteo at Sarah after ng very intimate at secret wedding nila sa Victory Church at reception sa Shangrila, BGC.
May nakapagsabi lang sa amin, although hindi namin alam kung kumpirmado na bago pa raw ang naganap na kasalan, may nakahanda na raw na titirhan ang dalawa.
May condo unit na raw na naka-prepare si Matteo na magiging unang bahay nilang mag-asawa. Hindi naman din kami nagulat na sakali nga at bumili o kung dati pang naka-ready na si Matteo sa magiging love nest nila.
Kering-keri naman ito ni Matteo at kung sabihin, matagal na nilang planong magpakasal so malamang, matagal na niya itong pinaghandaan para sa kanyang Misis Guidicelli. (Rose Garcia)
Source From:https://www.abante.com.ph/condo-tirahan-nina-sarah-matteo.htm