Cong Tambunting pinakulong ang maid sa ninakaw na ₱10K

4 years ago 0 Comments

IPINAKULONG kahapon ni Parañaque City 2nd District Congressman Gus Tambunting ang kanyang kasambahay matapos madiskubreng ninakaw nito ang halagang P10,000 cash na pag-aari ng kongresista.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Parañaque City Police ang kasambahay na nakilalang si Jovelyn Tormia y Ybanez, 28-anyos, at tubong Valencia Bukidnon at stay-in bilang kasambahay sa No. 12, Bay Garden, South Bay Garden, Barangay BF Homes ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng Parañaque City Police, alas-nuwebe nang umaga nang magharap ng reklamo sa pamamagitan ng kinatawan si Cong Tambunting sa katauhan ni Jasmin Camoued, accountant ni Tambunting laban sa kasambahay.
Nabatid sa imbestigasyon na alas-7:30 kamakalawa nang gabi, nagplanong umuwi ng probinsya ang kasambahay para dumalo sa burol ng namatay nitong ama.

Gayunman bago tuluyang payagang umalis ay nirekisa muna ang mga gamit nito at dito nadiskubre ang nabanggit na halaga na nakasilid sa loob ng bag ng mga gamit ang ninakaw na pera.

Agad na humingi ng tulong sa Police Community Precinct (PCP)-5 ang accountant ni Tambunting at ipinaaresto ang suspek.

Sinabi ni Congressman Tambunting matagal-tagal na rin niyang kasambahay ang suspek at hindi siya makapaniwala na gagawin nito ni Tormia.

Sinampahan naman ng kasong qualified theft ang suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office. (Armida Rico)

Source From:https://www.abante.com.ph/cong-tambunting-pinakulong-ang-maid-sa-ninakaw-na-%e2%82%b110k.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi