COVID crisis aabot ng Pasko – Galvez

3 years ago 0 Comments

Posibleng umabot pa sa Setyembre o hanggang Disyembre ang krisis na kasalukuyang nararanasan ng bansa dahil sa coronavirus disease, ayon kay Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng National Plan sa COVID-19.

“Ito medyo talagang nakakabahala ito. And then, nakikita natin, to tell frankly talaga, mukhang ang preparation natin dito hanggang ano siguro, September o December,” ani Galvez.

Si Galvez ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chief implementer ng National Action Plan para sa krisis na dulot ng COVID-19.
“Talagang nakikita natin katulad ng ginawa ng Singapore.

Their preparation is 18 months until such time that vaccine is invented,” ayon sa kalihim.

Aniya, hangga’t wala pang bakuna kontra COVID-19 ay mananatili ang mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

“We will create a new norm. Hangga’t wala pang vaccine, we cannot live the same way of life right now,” sabi pa ni Galvez. (Prince Golez)

Source From:https://www.abante.com.ph/covid-crisis-aabot-ng-pasko-galvez.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi