Cristine kinansela ang mga trip abroad

3 years ago 0 Comments

Dahil sa nCoV:

Apektado si Cistine Reyes sa novel corona virus (nCoV) na kumakalat ngayon. Nagdesisyon si Cristine na itigil muna ang paglalakwatsa sa abroad ng anak na si Amarah. Kamakailan lang ay nag-travel ang mag-ina sa Paris at London.

Paborito ni Cristine ang magbakasyon na kasama si Amarah. Isa ito sa pangako ni Cristine kay Amarah na bubusugin niya ito sa paglalamyerda sa ibang bansa para sa murang edad nito ay maranasan na ng anak na makita ang iba’t ibang lugar sa mundo.

Sabi ni Cristine, natatakot siya para sa kanyang anak. Mahal na mahal ni Cristine si Amarah, dahil bago pa siya nagpakasal ay pinangarap talaga niya ang magka-baby.

Sa presscon ng movie nila ni Xian Lim na “Untrue” na dinirehe ni Siegrid Bernardo para sa Viva Films, masayang humarap ang aktres sa media at sumasagot na ito sa mga tanong.

Kung babalikan ang character ni Cristine noong nagsisimula pa lang siyang sumikat sa ABS-CBN 2, lagi siyang iritada sa mga tanong na may kinalaman sa kanyang personal life.

May mga pagkakataong nagwo-walkout pa ito sa kalagitnaan ng presscon at minsan ay hindi pa dumadalo sa mga ganitong event.

Ayon kay Cristine, sa loob ng mahigit sampung taon na niya sa showbiz, nag-mature na siya at na-realize na hindi lang ang sariling emosyon ang dapat niyang pairalin kundi ang mga katrabaho rin. Mas open na raw siya ngayon.

Yam kasal muna bago siping sa dyowa

Sa kalagitnaan pa lang ng taon darating mula Amerika ang kasintahan ni Yam Concepcion, pero ngayon pa lang ay ayaw nang maalis ang kilig sa katawan niya. Noong holiday season ay magkasama ang aktres at ang kanyang boyfriend sa Hawaii, kung saan doon naka-base ang buong pamilya ng huli.

Ayon kay Yam, nagdesisyon na kasi ang dyowa niya na dito na sa Pilipinas manirahan, at iiwanan na nito ang buhay at trabaho sa Amerika.

Kinilig si Yam sa katotohanang nag-adjust para sa kanya ang boyfriend para hindi lang sila magkahiwalay. Nabanggit kasi ni Yam sa dyowa na nahihirapan na siya sa long distance relationship nila kaya gusto na nitong kumalas.

Pero hindi pumayag ang boyfriend at sinabing susundan siya sa Pilipinas at maninirahan na nga. Dahil sa hakbang na ito ng boyfriend niya, na-realize niyang ito nga ang gusto niyang pakasalan.

Pero ayon sa dalaga, dalawang taon pa ang papalagpasin niya para sa kanilang wedding ceremony. Tinitiyak ni Yam na hindi sila magli-live in ng boyfriend niya kapag nandito na ito sa Pilipinas. Mas gusto raw niyang ikasal muna sila bago magsama sa isang bubong.

Siyanga pala, showing na ang “Nightshift” movie ni Yam.

Robin nakalabas na ng ospital

Nakauwi na sa kanilang bahay si Robin Padilla, matapos ang mahigit dalawang linggo na pananatili sa ospital. Nag-post si Mariel Padilla sa Instagram ng larawan ni Robin na karga-karga ang kanyang bunso na si Gabriella at nakatayo naman ang isa pang anak na si Isabella.

Ibinalita ni Mariel sa caption na nakauwi na sa wakas ang kanyang asawa. Pero bago ito, nag-post si Mariel ng larawan nila ni Robin na kuha sa isang Catholic symposium na ginawa sa Smart Araneta Coliseum nitong weekend.

Source From:https://www.abante.com.ph/cristine-kinansela-ang-mga-trip-abroad.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi