Cristine palaban pa rin sa hubaran

3 years ago 0 Comments

Grabe si Cristine Reyes!

December pa lang, pero parang summer na, ha!

Grabe talaga, dahil kitang-kita nga ang bagong kaseksihan ni Cristine. Aba, ­matagal-tagal din niyang ipinagdamot ang kanyang kaseksihan, na kung mag-post man siya noon sa Instagram, palaging malayo ang shots, ha!

Pero this time, talagang inilapit na ni Cristine sa harap ng kamera ang waging-waging wankata niya. Delicious. Sarap. Yummy!

Sino nga ba ang inspirasyon ni Cristine ngayon? Bakit parang may pinagpapagandahan ang kapatid ni Ara Mina ngayon?

May mga panahon sa buhay ni Cristine na parang nawalan siya ng gana na magpaganda. Ang mga photo niya, parang dry na dry, na walang katas, o linamnam. Parang kulang sa kinang.

Mas nag-focus nga kasi siya sa ­pagiging nanay niya. Ang mga photo na pinu-post niya, palaging kasama ang anak niya. Na ­siyempre, medyo nau-off ang mga ­kalalakihan. Dahil paano mo nga ­naman pagpapantasyahan ang isang babae na ­palaging kasama ang baby girl niya, o ­nagpapaka-nanay talaga.

Pero kahapon nga, wow talaga! Super pasabog, super seksi, super lakas ng sex ­appeal.

Para ngang sinasabi ni Cristine sa mga batang artista na malakas din ang loob na maglantad ng kaseksihan, tabi-tabi muna, dahil heto na ulit ang tunay na pantasya ng kalalakihan.

Sabi nga ni t3dcastro: “Hot damn, bud! Sinimulan mo na ang summer 2020! Haha.”

Well… (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/cristine-palaban-pa-rin-sa-hubaran.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi