Cybersex trafficking lolobo sa ECQ

3 years ago 0 Comments

Kailangang paigtingin ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice (DOJ) ang kanilang mga hakbang kontra cybersex trafficking sa mga kabataan.

Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng pinalawig na enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 kung saan mas maraming panahon ang mga kabataang magbabad sa internet kaya mas nanganganib silang maging target ng mga online traffickers.

“Bago pa dumating ang banta ng COVID-19, isang hamon na sa atin kung paano natin lalabanan ang online sexual abuse sa mga kabataan,” ayon kay Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

“Ngayong mas nakatutok sa internet ang mga bata, kailangan nating palakasin ang mga hakbang upang mabigyan sila ng proteksyon at mapanagot ang gumagawa ng krimeng ito,” dagdag pa nito.

Sabi ni Gatchalian, itinuring na ng United Nations Children’s Fund o UNICEF ang Pilipinas na global epicenter ng livestream sexual abuse trade, kung saan walo sa sampung kabataan ang nanganganib makaranas ng online sexual abuse.

Noong 2018, nakatanggap ang Cybercrime Office ng DOJ ng 600,000 ulat ng mga malalaswang larawan at video ng mga kabataang Pilipino. Ito ay mas mataas ng halos isang libong (1,000) porsyento mula sa mahigit apatnapung libong (45,645) naitala noong 2018.

Sabi naman sa ulat na “2018 Findings on the Worst Forms of Child Labor” ng United States Department of Labor, ang mga batang biktima ng online trafficking ay binabayaran ng mga customer upang magpakita ng kalaswaan sa mga livestream. Madalas nagaganap ang mga ito sa mga internet cafe, mga pribadong tahanan, at mga cybersex dens.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa DOJ at PNP na magpalaganap ng kaalaman sa OSEC habang tinutugis ang mga nasa likod ng mga krimeng ito. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/cybersex-trafficking-lolobo-sa-ecq.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi