KUNG dati ay tapos na ang problema o malala na ang situwasyon ng mga magsasaka sa kanilang mga pananim bago malaman ng Department of Agriculture(DA), ngayon ay isang text o mensahe na lamang ay agad na itong maipapaalam at maaksyunan ng ahensya.
Inilunsad ng DA-Information and Communications Technology Services (ICTS) ang bagong smartphone application na Fisheries and Agriculture Response Management Citizens Application (FARM), sa pamamagitan ng nasabing app ay agad na maipaparating ng mga magsasaka, mangingisda at mga agriculture stakeholder ang kanilang hinaing sa DA.
“FARM Citizens App is an application which the DA will be using to give farmers, fisher folks and stakeholders greater access to the department,” ayon sa DA.
Ang konsepto ng FARM ay gaya umano ng 911 kung saan may itatag ang DA na 24/7 Unified Operations Center para agad na tutugon sa kanilang problema.
“Using a smartphone, the user could just go to the iOS Apps Store or Android Google Play he would find ‘FARM Citizens app’ which he could tap to download the application for Free. For example, a farmer who would like to request for a technical information on a disease affecting his fruit trees, could simply take a photo of the diseased plant and send it to the Bureau of Plant Industry (BPI),” paliwanag ni Agriculture Secretary Manny Piñol.
Sinabi ni Piñol na sa tulong ng app ay agad na mabibigyang saklolo ang mga magsasaka sa kanilang problema bago pa ito lumala upang maisalba ang mga pananim.
Pati umano advisory sa mga paparating na bagyo ay mayroon ang app kaya malalaman ng mga mangingisda kung ligtas pumalaot o hindi.
Nakatakdang maglunsad ng nationwide information campaign ang DA ukol sa FARM app.
Source From:https://www.abante.com.ph/da-may-911-app-sa-mga-magsasaka.htm