Dahil sa ‘Tala’: Maine binully ang tatay ni Arjo

3 years ago 0 Comments

Sa wakas nagkaroon na rin ng lakas ng loob si Sylvia Sanchez na ilabas ang “Tala” dance challenge ni Maine Mendoza kasama ang halos buong mag-anak nila na kuha pa nitong nakaraang Pasko.

Wala kaming ideya kung sino pa ang pinagtanungan ni Sylvia kung dapat ba niyang i-share sa netizen ang dance video para makumbinse siyang i-post na ito sa social media.

Naipanood na sa amin ni Sylvia ang nasabing video noong matapos ang presscon proper ng ginagawa nilang movie nina Jinggoy Estrada at Ariella Arida, ang “Coming Home”.

Sinabihan pa kami ni Sylvia na huwag isulat ang nasabing video para makaiwas sa mga basher. Pero in-advice namin sa mahusay na aktres na walang masama sa video at nakakatuwa pa nga itong panoorin dahil lumabas sa eksena na nagkakatuwaan silang lahat sa “Tala” dance challenge.

Kuwento sa amin ni Sylvia, paalis na sina Maine at Arjo noong mga oras na naisipan ni Maine na turuan silang mag-“Tala’ dance challenge.

Ang tinawag na Mamita ni Sylvia, si Gela at isa pa ang mapapanood sa video. May version ng “Tala” sila na maaaliw ang lahat dahil talagang pure fun lang.

Anyway, mababasa sa caption ni Sylvia sa video kung gaano nila tanggap at kamahal si Maine bilang parte na ng kanilang pamilya.

“Yung ang saya lang ng Monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, Mamita Pilar, Gela at Marjso na tinuturuan ni Maine mag-Tala lahat kami dito sa bahay.

“Coach @mainedcm thank you at pinasaya mo kamin lahat sa kakulitan mong mag-Tala kami hahaha ang cute mo Maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat na-bully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko, hahahaha. #family #happiness #blessings #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes #thankfulLORD.”

Masisilip din sa post ang ilang larawan nina Maine at Arjo na nagpapakita ng pagiging sweet nila sa isa’t isa gaya nang pagdikit ng mukha ng aktor sa braso ni Maine habang sabay nilang pinapanood ang video sa hawak na cellphone ng “Eat Bulaga” host.

Seth biglang yaman

Makikita na sa isa sa pinaka-latest post ng young actor na si Seth Fedelin ang iniunlad na ng estado sa buhay nito. Naka-post sa Instagram ni Seth ang big bike na sinasakyan niya at sa caption ay niyaya niya ang kanyang mga follower na sumakay o sumama sa kanyang mag-road trip.

Sa totoo lang, ang mahal ng big bike na ‘yon, ha! At bilang baguhan pa lang sa showbiz at nakabili na agad noon, ibig sabihin ay malaki na ang kinikita niya.

Maganda ang naitulong ng “Kadenang Ginto” sa career at financial status ng young actor. Mula nang mapabilang siya sa nasabing serye, nakilala at dumami na ang endorsement ni Seth.

Source From:https://www.abante.com.ph/dahil-sa-tala-maine-binully-ang-tatay-ni-arjo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi