Daluyan ng tubig sa Calamba, positibo sa poliovirus

3 years ago 0 Comments

Positibo sa poliovirus ang daluyan ng tubig na pumapagitna sa Barangay Bucal at Barangay Halang, Calamba City, Laguna batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga awtoridad na inilabas nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Facebook post ng Sangguniang Barangay ng Bucal, ang ilat o ligasong sa pumapagitna sa dalawang barangay, o ang tubig mula sa Pamana Homes papuntang Laguna de Bay, ay nagpositibo sa poliovirus matapos ang isinagawang pag-aaral ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

"Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar para makaiwas sa anumang ikasasama sa kalusugan," anila.

"Siguraduhin po natin na hindi kontaminado ang ating iniinom na tubig at iwasan po na tayo ay makainom galing sa NAWASA na hindi napapakuluan lalo't higit sa mga bahayan na malapit sa nasabing lugar," dagdag pa ng mga awtoridad.

Nauna nang inulat ng mga awtoridad ang pagbabalik ng polio sa Pilipinas noong Setyembre, 19 taon matapos ideklara ng World Health Organization na ligtas sa naturang sakit ang bansa.
 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/06/03/20/daluyan-ng-tubig-sa-calamba-positibo-sa-poliovirus

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi