Davis, Pelicans kanya-kanya na

4 years ago 0 Comments

NATAPOS ang season ng New Orleans Pelicans sa 112-103 loss sa Golden State Warriors Martes ng gabi.

Sa larong ‘yun na rin marahil natuldukan ang termino ni Anthony Davis sa New Orleans.

Tambay lang sa bench ang All-Star, nakapitong sunod na laro nang wala at nakalistang may back spasms.

Noong Enero, ha­yagang humingi ng trade si Davis at mula noon ay nilimitahan na ang kanyang minuto.

Ang nakakaintriga, dumating sa laro si Davis na nakasuot ng T-shirt ng sign-off ng Looney Toons na “That’s All Folks”.

Papasok siya sa tunnel pagkatapos ng laro, nakipag-high-five pa siya sa isang fan.

Nakakontrata pa si Davis hanggang sa susunod na season, pero ayaw na raw niya sa New Orleans.

Ipinoste pa sa isang social media account ng club ang picture ni Davis pagpasok ng arena, kita sa bandang dibdib ng kanyang T-Shirt ang “That’s All Folks.” (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/davis-pelicans-kanya-kanya-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi