De Luna laglag sa US Open

4 years ago 0 Comments

LUMABAN ng pitpitan pero kinapos si Pinoy cue artist Jeffrey De Luna kay Joshua Filler ng Germany 8-11 sa semifinals ng 43rd US Open 9-Ball Championship kahapon sa Mandalay Bay Resort and Casino Convention Center, Las Vegas.

Bago sumalang sa semis si De Luna, kinalos muna nito si former world champion Alex ‘The Lion’ Pagulayan sa quarterfinals 11-5 noong Biyernes ng umaga.

Makakalaban ni Fil­ler si Chinese cue master Jiaqing Wu sa final round sa event na nakataya ang $50,000 sa magkakampeon.

Pinatalsik ni Wu si Chang Yu-Lung 11-5 ng Chinese Taipei sa isang pares ng semis game.

May 256 player ang kasali sa $300,000 total pot prize, ang nasabing event ay may basbas ng World Pool-Billiards Association (WPA). (Elech Dawa)

Source From:https://www.abante.com.ph/de-luna-laglag-sa-us-open.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi