Delivery boy nagpagpag ng ari sa kostumer

3 years ago 0 Comments

SWAK sa kulungan ang isang 23-anyos na delivery boy nang ibuyangyang ang kanyang ari sa bahay ng pinag-delive­ran ng gasul sa Imus City, Cavite.

Dahil sa trip ng suspek na si Jonred del Rosario, kasong unjust vexation ang kakaharapin nito.

Ayon sa ulat ni Pat Gerald Ashley Gervacio ng Imus City Police Station, batay sa salaysay ng biktima na tinago sa pangalang Myrna, ng Brgy. Alapan, dakong alas-8:30 kahapon nang umaga nang nagpa-deliver ito ng LPG tank sa kanilang bahay.

Si Del Rosario umano ang nag-deli­ver sa kanyang in-order at pinapasok sa loob ng bahay nito para ikabit nito ang nasabing tangke ng gasul.

Matapos nito, humingi ng permiso ang suspek na makigamit ng palikuran dahil sa tawag ng kalikasan.

Pero paglabas nito, mistulang batang ibinuyangyang ang kanyang ari sa biktima habang ipinapagpag pa ito.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa security guard ng subdivision na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. (Gene Adsuara)

Source From:https://www.abante.com.ph/delivery-boy-nagpagpag-ng-ari-sa-kostumer.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi