Derek ibinebenta ang mga mamahaling kotse

3 years ago 0 Comments

Nagbabawas na ng kanyang mga mamahaling kotse si Derek Ramsay.

Sa social media account ng isang online magazine ay makikita ang mga high-end luxury car ng aktor na for sale.

Malaki-laki ang koleksyon ni Derek ng expensive cars at kung ano ang dahilan kung bakit niya kailangang ibenta ang mga ito, tanging siya lang ang nakakaalam.

Kabilang sa mga kotse na binebenta ni Derek ay ang Ferrari F12 Berlinetta, which is powered by a 6.3-liter V12 with 730hp and 690Nm on tap. Other important numbers include a 0-100kph time of 3.1sec and a top speed of 340kph.

For sale rin ang kanyang Aston Martin DB11. Ito ay V8 version capable of 503hp and 675Nm.

Isa pang pag-aagawan ng mga luxury car collectors ay ang Rolls-Royce Ghost, which runs on a 6.6-liter twin-turbo V12 that produces 563hp and 820Nm.

Mga presyo ng mga mamahaling kotse ni Derek ay available upon request. Ilang netizens ang humuhula na milyun-milyon ang halaga ng mga kotse ni Derek at tila naghahanda na ito para sa bagong chapter ng kanyang buhay. Ito na raw siguro ang planong pagpapakasal nila ni Andrea Torres. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/derek-ibinebenta-ang-mga-mamahaling-kotse.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi