‘Di ako kumakagat nang patalikod — Lord

3 years ago 0 Comments

MARIING tinanggi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang ulat na binabalak niyang patalsikin sa puwesto si House Speaker Alan Peter Cayetano.

“I am issuing this statement to once and for all end baseless reports attri­buted to unnamed sources and sly in­nuendos being peddled by certain camps with vested interests within and outside the halls of Congress on the supposed ‘coup plan’ to change the leadership of the House of Representatives,” saad ni Velasco.

Aniya, pinalutang lamang ang isyu ng kudeta upang magkaroon ng malalim na hidwaan sa Kamara at ng mga mi­yembro.

Idinagdag pa ni Velasco na ang alegasyon laban sa kanya ay sumisira sa kanilang samahan at sagabal sa trabaho ng mga mambabatas lalo na sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyong Duterte.

Tiniyak pa ni Velasco na patuloy niyang susundin ang term-sharing agreement nila ni Cayetano na kinasa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2019. Sa 15-21 sharing agreement ng dalawa, maninilbihan si Ca­yetano ng 15 buwan hanggang Oktubre 2020 at 21 buwan naman si Velasco.

“From the beginning, I never had any intention of reneging on this agreement. Tayo po ay lalaking may isang salita,” diin ni Velasco
“To my colleagues in Congress, let’s continue to do our mandate to serve our constituency and provide services to people who elected us into office.
Our people deserve to enjoy the fruits of progress under President Duterte,” dagdag pa niya.

Nanindigan naman si Cayetano na si Velasco ang utak ng tangkang kudeta sa Kamara.

Sa ambush interview sa Taguig City, siniwalat ni Cayetano na inaalok umano ni Velasco ng chairmanship ang mga kongresista kung susuporta sa kudeta sa Kamara.

“Nangangako ng pondo at chairmanships at ‘yong iba, siya mismo kausap,” saad ni Cayetano.

Umaabot na raw sa 20 kongresista na may hinahawakang key position sa Kamara ang kinausap ng Marinduque solon.

“Unless 20 congressmen are lying to me, that pinapangakuan ng chairmanship… I don’t think naman mang-iintriga ang 20 congressmen,” ayon sa Taguig-Pateros solon.

Ginagawang panakot umano ni Velasco ang budget dahil siya na ang kokontrol nito kapag naging Speaker.

Hindi naman natatakot si Cayetano sa bantang kudeta at naniniwala siyang matutuloy pa rin ang term sha­ring agreement na kinasa ni Pangulong Duterte.
“Sanay naman ako, I’ve been in politics for 28 years and there’s always someone after your position ‘di ba?” diin pa niya.
Palasyo dumistansiya
Tiniyak naman ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Duterte sa sinasabing ouster plot kay Cayetano.

“The President does not (interfere) unless you ask him to intercede on their behalf… That’s the internal affair of Congress. Hindi siya makikialam diyan unless you ask him to settle whatever rift they have if there is any,” ani ni Pre­sidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nang matanong kung kuntento ang Pangulo sa pamamalakad ni Cayetano, sinabi ni Panelo na hindi naman nagre­reklamo ang Pangulo. (JC Cahinhinan/Eralyn Prado/Prince Golez)

Source From:https://www.abante.com.ph/di-ako-kumakagat-nang-patalikod-lord.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi