‘Di ako niloko ni John Lloyd — Ellen

3 years ago 0 Comments

Nilinaw ni Ellen Adarna na hindi si John Lloyd Cruz ang tinutukoy niyang lalaki na nanloko sa kanya. Nag-viral nga sa social media ang video ni Ellen kung saan nagbi-bisaya at ikinuwento ang isang eksena sa isang lalaki na hindi niya pinangalanan na nag-cheat sa kanya.

“This guy nagbakasyon siya nasaktan ako. Sa pag-uli niya sa bahay wala na akong mga gamit…I just left. Gwapa ako,” sey ni Ellen.

Naisip ng iba na ang lalaki na pinatungkulan ni Ellen sa video ay si John Lloyd dahil ito ang pinakahuling nakarelasyon niya.

Pero, sa huling Instagram story ni Ellen, nilinaw niya na hindi ito si Lloydie.

“Just to clear everything. Nope. Dili sya ang ni-ghost and dili sya ang ni-cheat.”

Well, klaro nga na hindi raw si John Lloyd ang nang-ghost o nanloko sa kanya. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/di-ako-niloko-ni-john-lloyd-ellen.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi