‘Di natinag ng COVID-19: Richard-Sarah kinasal

3 years ago 0 Comments

Marami ang nagulat nang mag-post si Rich­ard Gutier­rez sa kanyang Instagram account (@richardgutz) noong Saturday tungkol sa civil wedding nila ng fiancée at ngayon ay misis na niyang si Sarah Lah­bati.

Pagka-post ni Richard, nag-post na rin si Sarah sa kanyang IG (@sarahlah­bati).

Hindi man natuloy ang big wedding dapat nila, nagdesisyon pa rin sila na magkaroon na lang ng civil wedding na pinamahalaan ni Judge Ber­nard P. Bernal.

Friday nang sabihan ako ni Annabelle Rama tungkol sa civil wedding nina Richard at Sarah.

Pero lilimitahan lang daw ang mga pupunta doon, pero may wedding reception naman daw pagkatapos, pero iilan din lang ang puwedeng im­bitahan dahil hindi na nga puwede ang “mass gath­ering” dahil sa COVID-19.

So noong March 14 nga, natuloy na rin ang wedding nina Richard at Sarah at ginanap ‘yon sa office ni Mayor Lino Cayetano sa 10th floor ng SM Aura Tower sa 26th St. corner McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Taguig City.

Naka-set ‘yon ng 4:00PM, pero ayon kay Ruffa Gutierrez na isa sa iilang sumaksi, “We started 4:30PM. Actually, we started 4:45PM na!”

Kasama ni Ruffa na um-attend sa civil wedding ang panganay niyang anak na si Lorin. Hindi na niya isinama ang bunsong si Venice.

Nandoroon din ang parents ni Richard, sina Ed­die Gutierrez at Tita Annabelle.

Isa rin sa mga sumaksi si Ray­mond Gutierrez na twin-brother ni Richard.

Sa reception, nagbiro si Richard na, “Mond is the ring bearer!”

Tinanong ko kahapon si Ray­mond kung bakit ganoon ang dia­logue ng kanyang twin-brother.

“It’s not a joke. The time na isu­suot na nila ang ring sa isa’t isa, ako ang nag-abot ng mga ring!” sabi ni Raymond.

Sumaksi rin sa kasal ang parents ni Sarah na sina Abdel at Esther Lahbati.

Nandoon din ang mga kuya ni Sarah, pati ang nephew niyang si Simon.

“No friends at the civil wedding, only family. My Kuyas are there, Eugene, Erald and Jeffrey En­riquez. Kuya Erald and Kuya Jeffrey flew in from Dubai (United Arab Emirates),” sey ni Sarah nang tanungin ko kahapon.

Wala naman ang mga anak nilang sina Zion at Kai sa civil wedding ceremony at reception.

“Nasa bahay lang sila,” sabi ni Sarah.

Nandoon din si Pastor John Ong na nag-bless sa dalawa pagkatapos ng civil wedding.

Ang wedding planner na si Amanda Tirol ay nandoon din, pati si Gideon Hermosa (nag-ayos ng flowers sa venue ng civil wedding), at mga kasama sa wedding team nila, at si Pat Dy na siyang offi­cial photographer at nag-provide sa lahat ng photos from the civil wedding.

Payo sa bagong kasal: Huwag na kayong mag-anak – Annabelle

Malaki ang pasasalamat ni Tita Annabelle Rama kay Taguig City Mayor Lino Cayeta­no. Si Mayor Lino ang tinawagan ng Guti­errez matriarch para magkaroon ng civil wedding noong Saturday.

Hindi nga lang nakapunta mismo ang butihing alkalde sa civil wedding dahil may mga inaayos daw silang protocols tungkol sa community quar­antine sa Metro Manila, pero nag-congratulate si Mayor Lino kina Richard at Sarah at sa kanilang pamilya.

“Si Mayor Lino ang tinawagan ko, ang laking tulong niya, kaya nagkaroon ng civil wedding!” pahayag ni Tita Annabelle.

Pinapunta na rin daw si Pastor John para ma-bless sina Richard at Sarah.

“Sabi naman ni Mayor Lino, puwedeng pa­puntahin ang pastor para ma-bless na rin sina Richard at Sarah,” sabi pa ni Tita Annabelle.

Nang ma-interview ko sa Tita Annabelle sa reception na ginanap sa Samba restaurant sa The Shangri-La The Fort sa BGC, ikinuwento kung paanong ginawan nila ng paraan na magkaroon ng civil wed­ding pa rin noong March 14 kasi nag-announce na sila ng postponement ng big wedding sana nang araw na ‘yon.

“Hindi man natuloy ‘yung big wedding, itinuloy namin itong civil wedding para maging happy na ta­laga si Sarah na Mrs. Gutierrez na siya ngayon. Kasi napansin ko si Sarah noong na-postpone namin, iyak siya nang iyak. Ang lungkot-lung­kot ng mukha niya. Naawa naman ako dahil namamaga na ang mata niya.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi