Dibdib ni Andrea halos sumabog sa surpresa ni Derek

3 years ago 0 Comments

Halos sumabog ang dibdib ni Andrea Torres sa kaligayahan nang batiin siya ng buong pamilya, kaibigan ni Derek Ramsay. Birthday nga ni Andrea at gumawa ng paraan si Derek para mapaligaya ang dyowa, ngayong hindi nga sila nagkakasama dahil sa lockdown.

Ipinaramdam ng lahat ng malalapit sa buhay ni Derek ang malaki nilang pagmamahal kay Andrea sa pamamagitan ng video na ginawa ni Derek na naglalaman ng maraming mga tao na parte ng kanyang buhay.

Surpresa nga ni Derek ito kay Andrea.

Sa comment ay sinabi ni Andrea na “still crying” dahil nga punung-puno ng pagmamahal ang mensahe ng pamilya ng aktor para sa kanya.

Ang parents ni Derek sinabing “we love you” sa kanilang message. Sey pa ng ina ni Derek, excited siya sa project nilang dalawa ni Andrea.

Nangako naman ng isang malaking selebrasyon para kay Andrea ang ama ni Derek kapag natapos na ang lockdown at maari na silang magkita at magsama-samang muli.

Nabanggit din ng parents ni Andrea ang pagkasabik ng mga itong maka-bonding uli ang mga magulang ni Andrea. Isa lang itong patunay na tanggap nang buong-buo si Andrea ng parents ni Derek.

Ang isang malapit na kaibigang babae ni Derek na may karga-kargang pet dog, nagpasalamat kay Andrea sa pagbibigay nito ng kaligayahan sa aktor.

“Future wife” naman ang deskprisyon ng kaibigan ni Derek sa Dubai na si Sayed Cinco, ang business partner ng Pinoy Designer na si Michael Cinco.

Hindi man kasama ni Andrea sa kanyang kaarawan si Derek, busog na busog naman ang puso nito sa kaligayahan.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang effort ni Derek na pagsamahin ang lahat ng mga taong malapit sa kanyang buhay para lang magbigay ng birthday message sa kanyang kasintahan, at ipangalandakan sa buong social media.

Kaya nga masuwerte ang tingin ng mga netizen kay Andrea dahil sa effort na ito Derek sa kanya. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/dibdib-ni-andrea-halos-sumabog-sa-surpresa-ni-derek.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi