Diktador at kasaysayan

4 years ago 0 Comments

“History will be kind to me for I intend to write it.” – Winston S. Churchill

Kadalasan ang tingin natin sa kasaysayan ay recitation ng mga bagha (facts). So and so was born on _____, died on _______, crowned on ________, declared war on _______. Usually, puro dates at kung ano ang ginawa ng isang makasaysayang tao. Kaya hindi nakakagulat na may mga naghihikayat na isulat ang “tunay” na kasaysayan ng bansa natin.

Hindi kasi ganun ka-simple. History is a story with ­characters, setting, plot. Marami dito subject to interpretation. Halimbawa, kay tagal na­ting naniwala na ang People Power revolution ay ang pag-aalsa ng masa laban kay Ferdinand Marcos. Posibleng totoo ito, pero ayon sa facts, kahit sabihin pang 2 milyon ang nasa EDSA, at dagdagan pa ng 1 milyon ng mga nagsipulong sa mga probinsya, kulang pa rin para talunin ang di umanong mga boto ni Marcos sa snap elections.

Fact ang pagpupulong sa EDSA. Fact na nagkaroon ng bagong gobyerno. Pero nga­yon pa lang lumalabas ang mga ilang salaysay na maaaring kumulay sa appreciation natin sa mga pangyayaring iyon.

Fact ang Proclamation No. 3 series of 1986 na nagbura sa Saligang Batas ng 1973. Na-install si Corazon Aquino bilang pangulo at nagdeklara ng kapangyarihan na gumawa ng batas habang ‘di pa nagkakaroon ng panibagong saligang batas. Siya rin ang gumawa ng desisyong ipanatili ang hudikatura para sa civil and criminal litigations. Dahil dito maaaring i-consider na diktador si Madame Aquino dahil hawak nya ang tatlong kapangyarihan ng gobyerno. Dalawa kung conservative ka at kinonsider mong yung hudikatura ay ‘di pinakilaman.

Pero sa kahit anong pagsusulat ng kasaysayan, walang bumabanggit sa dictatorship ni Corazon Aquino. Hindi kasi bahagi iyon ng kwentong kasaysayan na gustong ipalaganap ng mga nanalo sa EDSA. Sa kuwento nila, heto si Madame Cory. Posibleng totoo ito. Pero hindi nila maibubura na ang bayani nila ay naging diktador. Hindi rin nila maibubura ang mga failing ng Aquino administration, Mendiola Massacre, 7 coup attempts, ang pagbabalik ng mga tinaguriang oligarkiya sa pamumuno ng bansa.

Hindi natin masusulat ang “tunay” na history ng bayan. Pero maaari nating dagdagan ang mga bagha. Maari nating bigyan ng bagong perspektiba ang pagsulat ng kasaysayan natin.

Source From:https://www.abante.com.ph/diktador-at-kasaysayan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi