Dimples, Andrea sinumbong ng mga fan sa PNP

5 years ago 0 Comments

Nakakatawa ang reaksyon ng mga netizen sa mga kaganapan sa “Kadenang Ginto.” Gigil na gigil ang madla! Kung puwede lang sabunutan ang mga malditang sina Daniela (Dimples Romana) at Marga (Andrea Brillantes), ginawa na nila.

Pero isang tweet ang talagang nag-stand out! Viral ngayon sa social media ang paghingi ng tulong ng sikat na YouTube vlogger na si @Its­ACsLife sa PNP para iligtas ang bida ng mga serye.

“Pakitulungan naman po sin Romina at Cassie @PNPhotline,” tweet niya. Ang nakakatawa, sumagot ang PNP at para bang sineryoso ang pakiusap ng vlogger.

“Ano pong klase ng tulong ang kailangan nila? Meron po tayong women’s desk sa bawat police station upang tugunan ang kanilang sumbong,” reply ng official Twitter account ng PNP.

Hindi pa natigil ang vlogger at inilarawan kung paano inaapi nina Daniela at Marga sina Romina (Beauty Gonzales) at Cassie (Francine Diaz).

“Inaapi po sila ni Daniela at Marga Bartolome eh hindi naman sa kanila iniwan ni Robert ang mansyon at ang stocks sa Camila Sardines. Tapos inaapi nina Daniela at Marga si Cassie sa sarili niyang bahay,” patawang tweet niya. “At si Robert po ang gumahasa kay Romina pero secret lang muna.”

Libo-libo rin ang nag-like at nag-retweet sa kanyang post, patunay lang na marami ang agree at sinusubaybayan din ang serye. In fairness din sa PNP, mayroon pala silang Twitter account na puwedeng hingan ng tulong ng sino man.

Hanggang kailan nga kaya kakawawain nina Daniela at Marga sina Romina at Cassie? Nakaka-excite na talaga ang kaganapan sa hapon sa “Kadenang Ginto,” na napapanood after “It’s Showtime.”

Source From:https://www.abante.com.ph/dimples-andrea-sinumbong-ng-mga-fan-sa-pnp.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi