DINAKIP ng mga awtoridad si Tubajon, Dinagat Island Mayor Romeo Constantion Vargas at Sangguniang Bayan (SB) member Norlito Ticod ng bayan ng Basilisa matapos na mahulihan ng hindi lisensyadong baril.
Ayon kay Chief Supt. Gilbert Cruz, director ng Police Regional Office 13, sa bisa ng search warrant ay pinasok ng mga awtoridad bandang ala-una Sabado ng madaling-araw ang bahay ni Vargas sa Purok 1, Brgy. Sta. Cruz at nakuha rito ang isang M16 rifle na may scope at biopad, mga bala, kalibre .22 na magnum at isang air gun convertible.
Nasamsam naman sa bahay ni Ticod sa nasabing bayan ang dalawang kalibre .45 at isang kalibre .38 baril at mga bala nito.
Sasampahan ang dalawa ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Nagbabala naman si Cruz sa mga may-ari ng baril na hindi isusuko ang kanilang hindi rehistradong armas. “Delinquent firearm owners will be subjected to police operations like the implementation of search warrant should they fail to surrender their loose firearms. Anyone, regardless of status quo, will face the full wrath of the law.”
Source From:https://www.abante.com.ph/dinagat-mayor-sb-member-tiklo-sa-illegal-firearm.htm