Hindi pabor si Direk Joel Lamangan na isapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang showbiz celebrities na nasa watchlist nila dahil sa drugs.
“Para sa akin, kausapin na lang sila nang isa-isa. Hindi naman kailangang ipangalandakan sa buong buong mundo na sila ay gumagamit ng drugs!
“Siguro kailangang kausapin ng mga awtoridad. Hindi na kailangang ibulgar dahil wala namang kabutihang maidudulot. Kung ibubulgar sila sa publiko, mai-stop ba silang mag-drugs?
“Unless kausapin mo. Naniniwala pa rin naman ako na magkakaroon ng pagbabago. So hindi ako naniniwala na lahat ng nagda-drugs, patayin nang patayin! Hindi na ako naniniwala roon.
Mahalaga pa rin ang buhay at karangalan ng tao sa bawat lipunan!” pahayag ni Direk Joel sa storycon ng bagong movie na “In The Name of the Mother” under Heaven’s Best Entertainment na bida si Snooky Serna.
Para kay Empress Schuck, “Kailangan munang i-investigate bago ilabas ang pangalan. Baka may naninira lang sa isang tao. Kailangang maging clear din tayo sa ganyan. Very sensitive ‘yang ganyang bagay.”
“I agree with Empress na bigyan ng warning bago ilabas ‘yung mga pangalan ng mga artista, kasi speculations lang naman lahat ‘yan eh. Bibigyan mo naman ng kahihiyan ‘yung mga tao na hindi mo naman sigurado kung guilty sa crime,” saad naman ni Snooky.
Source From:https://www.abante.com.ph/direk-joel-sa-pdea-gimik-nyo-panis.htm