Divac, 11 pa pasok sa 2019 Hall of Fame

5 years ago 0 Comments

PANGUNGUNAHAN ni Vlade Divac ang 12 iluluklok sa 2019 class ng Basketball Hall of Fame.

Isa si Divac sa mga naunang European na tumapak sa National Basketball Association, naglaro sa Sacramento Kings noong 1998-2004. Nag-peak sila sa 2002 nang yumuko ang Kings sa Los Angeles Lakers sa overtime ng Game 7 ng Western Conference finals.

“For six years, we were the most exciting team in the league and really played basketball the right way,” anang general manager ng Kings ngayon.

Sa Sept. 6 iluluklok ang Class of 2019 sa Springfield, Massachusetts.

Kasama ni Divac sina NBA pla­yer Carl Braun, Chuck Cooper, Bobby Jones, Sidney Moncrief, Jack Sikma at Paul Westphal, NBA coach Bill Fitch, NBA contributor Al Attles, Women’s NBA player Teresa Weatherspoon, 1957-59 teams mula Tennessee A;I at Wayland Baptist University program.

Naka-16 years din sa NBA si Divac, walo rito sa Lakers. Ni-retire na ng Kings ang jersey No. 21 ni 7-foot-1 Divac.

Isa sa kasamang starter ni Divac sa team ng Kings ay si Chris Webber na hindi nasama sa class.

Teammates sina Moncrief at Sikma sa Milwaukee Bucks mula 1986-89. Nanalo ng championship si Sikma sa Seattle SuperSonics, pero noong 1988 nang nasa Bucks pa ay naghulma ng record bilang tanging center sa kasaysayan ng liga na namuno sa free throw percentage sa 92.2.

Five-time All-Star si Moncrief at two-time NBA Defensive Player of the Year sa Bucks noong mid-80s.

Naglaro si Weatherspoon sa New York Liberty at una sa WNBA na nakaipon ng 1,000 points at 1,000 assists. (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/divac-11-pa-pasok-sa-2019-hall-of-fame.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi