BILIB si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kay Doc Willie Ong kaya isa ito sa kanyang susuportahang kandidato sa pagkasenador ngayong May 13 midterm election.
Si Doc Willie Ong lamang ang bukod-tanging baguhan sa listahan ni Lacson dahil ang iba ay mga bigating pangalan na sa politika.
Sinuportahan ni Lacson ang mga reeleksyunistang sina Senador Sonny Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Nancy Binay, Grace Poe, JV Ejercito at Cynthia Villar.
“Meron akong soft heart sa reelectionist na kasama namin, whether from the majority or minority bloc kasi nakasama ko na sila and alam ko how they work, ang work ethic nila. Sila ang laging nariyan nag-aaral nagde-defend ng bill so kabisado namin sila,” diin ni Lacson.
Manok din ng senador si dating DILG Secretary Mar Roxas kung saan nagpahasa ang mga banat hinggil sa sinasabing katiwalian sa Yolanda funds.
Ayon kay Lacson, walang kinalaman si Roxas sa sinasabing iregularidad sa paghawak ng pondo sa mga biktima ng Yolanda rehabilitation.
“Hindi lang sa kaibigan ko si Mar Roxas, pero naawa ako minsan sa kanya kasi siya ang favorite punching bag ni Pangulong Duterte. Ang laging binabato sa kanya ang Yolanda. I’d like to correct that perception na wala naman talaga siyang kinalaman sa pondo ng Yolanda except ang DILG nag-provide cash assistance sa LGU and dumaan sa kanya,” saad ni Lacson.
Source From:https://www.abante.com.ph/doc-willie-ong-bet-ni-ping.htm