Doc Willie Ong top 6 sa #PahayagOnline survey

4 years ago 0 Comments

PUMASOK sa winning circle ng mga senatorial candidate si Doc Willie Ong, ayon sa #Pahayag­Online survey ng Publicus Asia.

Ginawa ang independent/non-commissioned survey noong Marso 7-16 kung san tinanong ang mga res­pondent kung sino ang kanilang ibobotong senatorial candidate kapag ginawa ngayon ang eleksyon.

Pangunahing layunin ng survey na makuha ang pulso ng taumbayan kung sino ang kanilang pinagkakatiwalaang iboto para maging senador.

Batay sa survey, nakuha ni Doc Ong ang ikaanim na puwesto o katumbas ng 35.25 vo­ting preference, 48.33% awareness at 38.25% trust rating.

Kabilang din sa pumasok sa winning circle sina reelectionist Senator Grace Poe at Sonny Angara, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Bong Go at Francis Tolentino.
Ang naturang survey ay mayroong sample size na 1,200 registered voters at nationwide ang area coverage.

Source From:https://www.abante.com.ph/doc-willie-ong-top-6-sa-pahayagonline-survey.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi