Dokyu ng ABS-CBN wagi sa NY Festivals TV, Film Awards

3 years ago 0 Comments

Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, bumandera pa rin ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pelikula at telebisyon. Nagwagi ng tatlong medalya sa 2020 New York Festivals TV and Film Awards ang tatlong obra sa documentary ng ABS-CBN.

Nasungkit ng programang “Local Legends” ng ABS-CBN DocuCentral ang Silver World Medal para sa kwento nito tungkol sa 74-anyos na artist na si Ric Obenza at kung paano niya inaalay ang buhay sa pangangalaga sa mga kagubatan sa Davao. Panalo rin ang isa pang dokumentaryo ng DocuCentral na pinamagatang “Alab,” tungkol sa tapang at pagkakaisa ng Filipino volunteer firefighters, na nasungkit ang Bronze World Medal sa Heroes category.

Kinumpleto naman ng “Tao Po,” isang episode ng documentary series na “#NoFilter,” ang listahan ng mga nagwagi mula ABS-CBN na nakakuha ng pinakamaraming medalya para sa Pilipinas. Bronze World Medal ang natanggap ng kwento ng premyadong dokumentarista na si Jeff Canoy tungkol sa isang inang nangangalaga sa kanyang anak na may Down Syndrome.

Limang dokumentaryo rin ng ABS-CBN ang naging finalist sa naturang kompetisyon, kabilang na ang “HIV Rising” ni Korina Sanchez-Roxas, “Local Legends: Glass Sculptor” tungkol sa glass artist na si Ramon Orlina, “Invisible,” isang dokyu ukol sa mental health, at dalawa pang dokumentaryo mula kay Canoy—“Ang Babae ng Balangiga” at “Tigdas” para sa isang episode ng “Red Alert.”

Layunin ng New York Festivals Best TV and Film Awards na kilalanin ang pinakamahuhusay na programa mula sa iba’t ibang bansa. Sinuri ng mga batikang broadcast at film executives mula sa buong mundo ang mga nagsipagwagi.

Congratulations ABS CBN. Hindi lang mga health worker ang hinahangaan sa buong mundo dahil sa paga-alaga sa mga pasyente ng COVID-19, kundi ang galing ng mga film at TV docu makers na Pinoy. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/dokyu-ng-abs-cbn-wagi-sa-ny-festivals-tv-film-awards.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi