Duque: Wala pang ebidensiya na nakakahawa ang asymptomatic COVID-19 patients

3 years ago 0 Comments
Health Secretary Francisco Duque III. ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) – Hindi pa rin prayoridad ng Department of Health (DOH) na hanapin ang mga asymptomatic COVID-19 patients o walang pinakikitang sintomas sa sakit.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, tinanong ni Sen. Nancy Binay si Health Secretary Francisco Duque III kung ano ang hakbang na ginagawa ng gobyerno sa mga walang ipinapakitang sintomas dahil posible silang “silent spreader” ng sakit.

Paliwanag ni Duque, sa ngayon ay may 4 silang kategorya nang mga dapat unahing i-test at hindi kasama dito ang mga asymptomatic.

Limitado lang kasi aniya ang testing capacity at wala namang bansa na nag-one-to-one testing.

Sa pinakahuling report ng World Health Organization (WHO), walang ebidensiya na nagpapakita na nakakahawa ang mga asymptomatic, ayon kay Duque.

“Ang WHO, hanggang ngayon po, wala po silang ulat o ebidensiyang nakakalap na magpapakita na nakakahawa ang mga asymptomatic. WHO po ‘yan,” aniya.

Ngunit ayon sa WHO, pinagaaralan pa nito kung gaano kadalas nakakahawa ang mga COVID-19 patients na walang sintomas.

"Some reports have indicated that people with no symptoms can transmit the virus. It is not yet known how often it happens. WHO is assessing ongoing research on the topic and will continue to share updated findings," ayon sa pahayag nito sa official website.

Sa huling tala, nasa 13,221 na ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19. Kabilang dito ang 842 na nasawi sa sakit habang 2,932 naman ang gumaling. 

– Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/21/20/duque-wala-pang-ebidensiya-na-nakakahawa-ang-asymptomatic-covid-19-patients

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi