Durant garahe na sa West semifinals

4 years ago 0 Comments

HINDI na maglalaro si Kevin Durant sa kabuuan ng Western Conference semifinals series ng Golden State Warriors kontra Houston Rockets.

Nakumpirma ang strained right calf ni Durant sa MRI exam nitong Huwebes.

Third quarter ng 104-99 win ng Warriors noong Huwebes sa Oracle Arena nang abutin ng injury si Durant. Iika-ika siyang pumasok ng locker room nang mapasama ang tukod ng kanang paa matapos tumira ng baseline jumper.

Bumalik ng Houston ang Warriors para sa Game 6 ngayon, naiwan sa Bay Area si Durant. Naka-iskedyul siyang ma-re-evaluate sa susunod na linggo, kaya magkaroon man ng Game 7 sa Lunes ay out na rin siya. Lamang ang Warriors sa series 3-2.

“We’ll have to make up for what he does. We’ve done it before. It’s going to be incre­dibly difficult,” ani Klay Thompson. “It’s the playoffs. I know they’re not going to feel sorry for us, the media, the fans. … We go down there and give it our best effort.”

Ang kontribusyon ni Durant? League-leading ang 34.2 points per game ng two-time Finals MVP. Bago inabot ng injury, nagsumite siya ng 22 points, 5 rebounds, 4 assists. (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/durant-garahe-na-sa-west-semifinals.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi