Duterte ‘di mabubutasan sa SALN — Palasyo

4 years ago 0 Comments

WALANG mapapala at hindi magtatagumpay ang mga grupong naghahanap ng mali para mabutasan at mapabagsak si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea kasunod ng pahayag ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na ilang beses nilang hiniling ang panig ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu ng kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang hinihinging kopya ng saln ni Pangulong Duterte bago pa ito naging Presidente ay hindi hawak ng office of the President.

“The SALNs covered by their request have been submitted years before PRRD became President and are not in the possession of OP,” ani Medialdea.

Batay sa nakikita ng kalihim, pinipilit aniya ng mga kritiko na mahanapan ng butas ang SALN ni Pangulong Duterte para palakihin ito pero bigo ang mga ito.

Nananatili aniyang matatag ang posisyon ng Pangulo na malinis ang korapsiyon sa bansa at patunay dito ang mga sinisibak na empleyado at opisyal ng gobyerno na gumagawa ng mga kalokohan.

“But it must be made of record that President’s critics and detractors had been knitpicking on the President’s SALN. They have tried to make an issue out of even the minutest detail in hopes to pin the President for some wrongdoing but to their dismay their efforts had all failed,” dagdag pa ni Medialdea.

Sinabi pa ng kalihim­ na makakatingin ang Pangulo ng diretso sa mata ng mga sinibak nitong opisyal dahil wala siyang bahid ng katiwalian. (Aileen ­Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/duterte-di-mabubutasan-sa-saln-palasyo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi