Duterte kay Cayetano: ‘Wag kang sigurista

4 years ago 0 Comments

NAKASALALAY pa rin sa boto ng mga mam­babatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang magiging kapalaran ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano kahit pa siya ang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na iendorso sa mga nag-aagawan sa speakership.

Sinabi ng Pangulo na nasa pagpapasya pa rin ng mga kongresista kung sino ang kanilang pipiliing lider ng 18th Congress.

Binigyang-diin ng Presidente na nilutas lamang niya ang agawan ng tatlong mambabatas na kapwa niya kaibigan at supporters.

“That is their privilege actually. I was just trying to end up the impasse. Nobody was sure to vote for whom and they kept on asking ano yung—sino ‘yung kandidato ni Presidente?” anang Pangulo.

Bukod kay Cayetano ay naghahangad din sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez na kapwa kaalyado at supporter ng Presidente.

Inanunsyo ni Pa­ngulong Duterte nitong Lunes ang rekomendasyon niya na maghati ng termino sa pagka-speaker sina Cayetano at Velasco habang si Romualdez naman ang uupong majority leader.

Nilinaw din ng Pangulo na hindi niya pinakikiala­man ang independence ng Kamara sa pagsasabing “leaders lang itong pinag-uusapan natin.”

Sa July 22, sa mismong araw ng pagbubukas ng session ng 18th Congress at ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte ay magpapasya ang mahigit 300 kongresista kung sino ang pipiliin nilang House Speaker.

Naglabas ng statement noong Lunes ang mga bagong miyembro ng party-list na susuportahan nila sino mang ieendorso ng bagong tatag na Duterte Coa­lition. (Aileen Tali­ping)

Source From:https://www.abante.com.ph/duterte-kay-cayetano-wag-kang-sigurista.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi