MATAPOS ipangakong hindi siya tatapak kailanman sa lupain ng Estados Unidos, nagbago na ang tono ni Pangulong Rodrigo Duterte at ikinokonsidera ang pagbiyahe sa naturang bansa, ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez.
“The President has indicated that he would like to go,” saad ni Romualdez.
Ayon sa sugo ng Pilipinas sa US, sinabi ni Pangulong Duterte ang planong pagbisita sa Amerika noong nakaraang buwan.
Wala namang binanggit na time frame ang Pangulo, pero nais nitong makausap si US President Donald Trump sa White House sa Washington, D.C.
Matatandaan na tatlong beses nang nagpadala ng imbitasyon si Trump kay Duterte na bumisita sa US at nagpadala pa ito ng formal invitation, limang buwan na ang nakakaraan.
Noong manalo sa 2016 presidential elections si Pangulong Duterte, binira ito ni dating US President Barack Obama dahil sa madugong kampanya laban sa iligal na droga. Gumanti naman ang Pangulo at binanatan si Obama.
Kumambyo din si Pangulong Duterte sa foreign policy matapos kaibiganin ang China at Russia.
Pero nang manalo si Trump, naging kaibigan naman ito ni Pangulong Duterte.
Source From:https://www.abante.com.ph/duterte-kumambyo-type-bumiyahe-sa-us.htm