Duterte nakiusap sa mga sundalo, pulis na huwag magkudeta laban sa kaniya

4 years ago 0 Comments

MAYNILA – Pinakikiusapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na huwag magsagawa ang kudeta laban sa kanya. 

Sa kanyang talumpati sa ika-72 anibersaryo ng Philippine Air Force, inamin ng pangulo na darating ang araw na magdedesisyon ang AFP at PNP. 

Sabi ng pangulo, hindi na umano nila kailangan ng kudeta. 

Kung ayaw na umano sa kaniya ng mga sundalo at pulis, hindi na nila kailangan gamitin ang kanilang mga armas dahil maaaring tawagan nalang daw siya ng mga ito. 

Handa raw ang pangulo na makipag-kape sa kanila, at magsabing kanila na ang gobyerno. 

"Because I know that the Armed Forces and the police will have to decide one day, somehow. Do not do it please during my term. I told you before, kung ayaw ninyo ako, do not bring your weapons and mechanized iron there. Just call me, we will coffee, and I am ready to say, 'It’s yours,'" ani Duterte.

Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang sakripisyo ng Philippine Air Force para protektahan ang teritoryo ng bansa. 

Pinasalamatan rin niya ang mga sundalo sa patuloy nilang papatrolya sa West Philippine Sea, kasabay ng paggiit ng pangulo na atin ang Philippine Rise at ang Malampaya gas field sa Palawan.

Binanggit rin ng pangulo ang partisipasyon ng Air Force sa pagtugis sa Abu Sayyaf. 

Ayon kay Duterte, magpapatuloy ang modernisasyon ng AFP, at asahan na raw ang pagdating ng mga dagdag na aircraft bago matapos ang kanyang termino. 

Binanggit rin ng pangulo na sa naganap na cabinet meeting kagabi, muli niyang ipinalala sa kanyang mga opisyal na ayaw niya ng mga delay sa proseso sa gobyerno. 

Sa usapin naman ng krimen, nakiusap rin ang pangulo sa mga korte na huwag na sanang magisyu ng mga injuction lalo na sa mga kasong kriminal.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/07/02/19/duterte-nakiusap-sa-mga-sundalo-pulis-na-huwag-magkudeta-laban-sa-kaniya

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi