Duterte sa chinese community: Umayos kayo!

3 years ago 0 Comments

WINARNINGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese na naninirahan sa bansa na umayos at makipagtulungan sa gobyerno.

Ginawa ng Pangulo ang babala sa harap ng maigting na kampanya laban sa iligal na droga kung saan karamihan sa mga naaaresto sa malakihang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad ay mga Chinese national.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City Huwebes nang gabi, na may mga Chinese community sa bansa kung saan humalo sa kanilang mamamayan ang mga sindikato ng iligal na droga.
Dapat aniyang umayos ang mga ito at makipagtulungan sa gobyerno kung ayaw mamatay ng mga ito.

“Kayo, ‘yung mga kayo dito sa Chinese—sa civilian sector tapos ‘yung mga Chinese community kay kayo ang pinagdudahan, you better shape up and try to help government,” anang Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na hindi siya papayag na may kapitbahay siyang pusher dahil kailangang protektahan ang mga sibilyan.

“Kasi kung ako ang sinabi ko nakatira dito, hindi ako papaya sa neighborhood naming sa Matina (Davao City) may pusher. Maski civilian ako babarilin talaga kita. Simplehan kita ng baril. Lalo na kung may mayor akong magsabing, ‘Sige ubusin ninyo ‘yang mga p************ ‘yan. It’s a matter of—really a choice of helping,” pahayag pa ng Pangulo.

Matatandaang kadalasang mga Chinese national ang naaaresto sa mga malakihang anti-illegal drugs operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan kilo-kilong shabu ang nasasamsam ng mga awtoridad.

Sinabi ng Pangulo sa mga nakalipas nitong talumpati na ang Chinese Bamboo Triad at Sinaloa drug cartel ang sindikatong nakapasok na sa bansa. (Aileen Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/duterte-sa-chinese-community-umayos-kayo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi