Dyowa si McCoy: Joshua umaming bading kay Dimples

3 years ago 0 Comments

Naloka si Dimples Romana nang sa simula ay sinabi ni Joshua Garcia sa kanya na magdyowa na sila ni McCoy de Leon. Buong ningning ngang ikinuwento ni Joshua kay Dimples, sa pamamagitan ng telepono, na nag-kiss na sila ni McCoy.

Pero siyempre, hindi agad-agad naniwala si Dimples. At sa halip, sinabi niya na malabong mangyari ‘yon, dahil may dyowa nga raw si McCoy.

Sasabihin na sana ni Dimples kung sino ang dyowa ni McCoy, pero nataranta nga sina Joshua, lalo na si McCoy, kaya agad nilang inawat si Dimples sa pagsasalita.

Well, binalak na i-prank nina Joshua at McCoy, kasama sina Julia Barretto at Maris Racal, si Dimples, sa utos na rin ni DJ Cha-Cha, para sa segment nila sa radio program sa MOR.

Pero, hindi nga sila nagtagumpay, dahil mas matalas nga ang utak, lalo na ang bibig ni Dimples. At ‘yun na nga, napaamin agad sila, at epic fail nga ang prank nila.

Magkakasama sina Dimples, McCoy, Joshua sa pelikulang “Block Z”, na palabas na sa mga sinehan.

Aiko saludo sa Pinoy na lumaban sa babaeng Chinese

Saludo si Aiko Melendez sa isang Pinoy na ipinagtanggol ang isang kapwa Pinoy na tinatalak-talakan ng isang babaeng Chinese.

Kumalat nga ang video na ipinagtatanggol ng isang girl ang isang driver na nag-deliver laban sa isang babaeng Chinese. Marami nga ang natuwa na matapang na ipinagduldulan ng naturang Pinoy na walang karapatan ang naturang Intsik na hindi sumunod sa patakaran sa Pilipinas.

At isa nga si Aiko sa sumaludo sa naturang Pinoy:

“Me nabasa ako sa post na me Pinoy na inapi ng Chinese. Tila napaka- controversial ng mga Chinese. But my take on this, ‘wag lang sila ang pagdiskitahan sa galit naten sa virus na lumalaganap. Di rin naman nila kagustuhan yun.

“Pero yung kagaspangan ng ugali, virus din yun na me panahon pa kayo ayusin. And this applies to everyone. So tama lang ‘wag tayong paaapi sa sarili nating bansa,” sabi ni Aiko.

Source From:https://www.abante.com.ph/dyowa-si-mccoy-joshua-umaming-bading-kay-dimples.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi