EJ pamasak ng UST

2 years ago 0 Comments

PUPUNAN ni ace spiker EJ Laure ang mga kakulangan ng UST Golden Tigresses sa kaagahan ng UAAP Season 82 women’s volleyball tournament.

Wagi via straight sets ang Golden Tigresses kontra Adamson Lady Falcons nitong Linggo, 25-20, 25-16, 25-18.

“Siyempre sa win namin lahat kami nagtrabaho talaga and kinover-up namin iyong mistakes na ginawa namin last game. So, doon talaga kami nagwork on,” paliwanag ni Laure na nagtala ng 12 point.

Ipinunto rin nito na katambal niya sa laban ang kapatid niyang si Eya upang mapunan ang kanilang pagkakamali noong unang laban ng UST.

“Before the game nag-usap talaga kami ni Eya na kailangan para mag-cover up kami ng mistakes last game,” giit ni Laure.

“So iyon talaga iyong nag-work on kami sa usap sa loob ng court.” (JAT)

Source From:https://www.abante.com.ph/ej-pamasak-ng-ust.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi