Enrique kinilabutan sa halik ni Robi

3 years ago 0 Comments

Ang harot, landi talaga ni Robi Domingo. Wala talaga siyang pinalalampas na harutin, landiin, ha!

Kung dati ay ang kaibigan niyang si Daniel Padilla ang madalas niyang hipuan, at nakawan ng halik, recently ay si Enrique Gil naman ang ginagawan niya ng ganu’ng kalandian.

Makikita nga sa Instagram ang isang short video na kung saan ay kinukulit ni Robi si Enrique, na tipong hinahalikan ang pisngi, o leeg nito, na siyempre ay medyo ikinailang ni Enrique.

Parang tumatayo nga ang balahibo ni Enrique habang ginagawa sa kanya ni Robi ‘yon. Hindi nga niya kinaya ang panghaharot sa kanya ni Robi, ha!

Pero siyempre, ‘pag si Robi ang gumagawa noon, alam mong biruan lang talaga. Alam mong ginagawa niya ‘yon para magpatawa.

At si Daniel nga noon, hindi makapalag kapag ninanakawan ng halik ni Robi, ‘di ba? Kaya si Enrique, wala rin talagang magawa.

Pero ‘yun na nga, hindi kinaya ni Enrique ang halik ni Robi, ha! Parang kinilabutan talaga siya, habang tawa naman nang tawa si Robi.

Ang kulit lang, ‘di ba? (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/enrique-kinilabutan-sa-halik-ni-robi.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi