ER ng ospital sa Tondo, isasara pansamantala matapos magpositibo sa COVID-19 ang 8 hospital staff

3 years ago 0 Comments

MAYNILA (2nd UPDATE) – Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara ng emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Delpan Street, Tondo, Maynila.

Ito ay matapos makumpirma na 8 staff ng ospital ang nagpositibo sa COVID-19.

Nagsimula nitong Martes, alas-7 ng umaga ang pagsasara ng emergency room ng ospital. Sarado ito hanggang alas-7 ng umaga sa Mayo 5.

Batay sa report ng Manila Public Information Office, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang 2 nars, 4 doktor, isang radiology technologist, at isang medical technologist.

Ayon kay Moreno, ang pansamantalang pagsasara sa hospital emergency room ay “para magbigay-daan sa general cleaning at disinfection operations ng buong hospital.”

Sinabi ni Hospital Director Dr. Ted Martin na simula kanina ay hindi na muna tumanggap ng admission ang emergency room, pero operational pa rin ang out-patient services at dialysis center ng ospital, na nasa hiwalay na gusali.

Mananatili naman ang mga naka-admit ng pasyente at patuloy ang gamutan dito.

Nakipag-ugnayan ang GABMMC sa limang ospital sa Maynila para sa mga pasyenteng mangangailangan ng atensyong medical.

Inabisuhan na rin ang mga residente ng Tondo na sa Ospital ng Maynila muna dalhin ang mga surgical at medical patients, habang ang mga OB at pedia patients naman ay inabisuhang dalhin na muna sa Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Tondo, o kaya sa Justice Jose Abad Santos General Hospital. – ulat nina Lady Vicencio at Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/28/20/er-ng-ospital-sa-tondo-isasara-ng-10-araw-matapos-magpositibo-sa-covid-19-ang-8-hospital-staff

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi