Erap dapa kay Isko

4 years ago 0 Comments

NAG-CONCEDE na si dating Pa­ngulo at outgoing Manila Mayor Joseph Estrada kay Isko Moreno bilang bagong alkalde ng lungsod.

Tinanggap na ni Estrada ang kanyang pagkatalo sa dati niyang bise alkalde dahil hanggang alas-12 nang hatinggabi noong Martes ay malaki ang lamang ni Moreno.

Sa isang video ay mapapanood si Erap na nagsasalita sa harap ng kanyang mga tagasuporta para magpasalamat at tanggapin ang kanyang pagkatalo.

“We’ve done our best, I did my best, we have to accept. There is the saying that the voice of the people is the voice of God,” ani Estrada.

Nagpasalamat ang outgoing mayor sa kanyang mga supporter at pinayuhan pa nito ang bagong alkalde na ituloy ang mga nagawa niyang maganda para sa Maynila.

Sa mahigit 90% ng boto, nakakuha si Moreno ng 329,108 boto laban sa 192,600 na boto ni Estrada habang ang dating alkalde na si Alfredo Lim ay nakakuha ng 127,126 na boto.

Sa 977,465 rehistradong botante ng Maynila, 675,125 ang bumoto.

Base sa pinakahuling bilang, ang bise alkalde ni Moreno na si Honey Lacuna ang nangunguna laban kay dating Manila 5th District Rep. Amado Bagatsing, na running mate ni Estrada na kumuha ng 360,045 boto.

Political dynasty winasak ni Vico

Wagi rin ang bagitong si Pasig City Councilor Vico Sotto laban sa mahigpit na katunggaling si incumbent mayor Robert Eusebio.

Hinawakan ng pamilya Eusebio ang Pasig City sa loob ng dalawang dekada o eksaktong 27 taon.

Sa official tally ng Comelec ay umiskor si Vico ng 204,188 habang si Eusebio ay nakakuha ng 118,281.

Si Vico o Victor Ma Regis N. Sotto ay anak nina Vic Sotto, ‘bossing’ ng ‘Eat Bulaga’ at Coney Reyes. Political Science graduate ng Ateneo de Manila University at first city councilor siya ng Pasig City.

Nagsimula si Eusebio sa politika noon pang 1992 habang si Vico, 29-anyos, ng Aksyon Demokratiko ay naupo lamang ng isang termino sa pagka-konsehal.
“Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig,” ayon sa post ni Sotto sa kanyang Facebook account. (Mia Billones/Vick Aquino)

Source From:https://www.abante.com.ph/erap-dapa-kay-isko.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi