Erich binuking ang mga sikreto nina Maine-Arjo

3 years ago 0 Comments

Daig pa ni Erich Gonzales ang isang ­tunay na tsismosa dahil sa episode niya sa kanyang YouTube channel na “Car Raid With Arjo Atayde”.

Yes, chikahan na umaatikabo nga ang nangyari kina Arjo at Erich. Si Erich na habang hawak ang cellphone/camera niya ay super usisa sa mga kaganapan kay Arjo.

At isa nga sa mga unang tanong ni Erich ay kung sino-sino na raw ba ang mga nakasakay sa kotse ni Arjo.

“My friends, girlfriend, family, ­everyone…” sagot naman ni Arjo.

“Si Babs nakasakay na ba?” tanong ni ­Erich, na sinundan pa niya ng tanong na, ‘Bakit nga ba Babs ang tawag mo sa kanya?’

Na sinagot naman ni Arjo na…

“Yes, may story behind it. Na-misspell lang sa text ko. Imbes na baby ang ilagay ko, babs nalagay ko.”

Tuwang-tuwa naman si Erich sa chika ni Arjo, dahil unique nga raw. “Parang girlfriend mo, si Maine, unique.”

Na sinundan pa niya ulit ng… “Ay, happy anniversary. One year na kayo.”
“Yes! Yes!” pag-amin ni Arjo.

“And you guys, celebrated it sa anoo… bawal ba sabihin?” tanong ni Erich kay Arjo.

“No, sa Palawan,” sagot ni Arjo.

“Palawan. Ang dami niyo na napuntahan together,” hirit ulit ni Erich.
“We like travelling also,” sagot ulit ni Arjo.

Sey ulit ni Erich, “Sabi ‘pag nagta-travel mas nakilala niyo isa’t isa.”

“Yes, ganoon nga. Pero, normally kapag nagta-travel kami, may mga kasama ­kaming mga friends. Bonding time rin as well. Pero of course, may time kami together,” saad ni Arjo.

Tanong ulit ni Erich, “ano na-disover niyo sa isa’t isa? Naks, napaka-chismosa ko.”

“Siguro pinaka-ano lang, ano ba na-discover ko? Ahhhh…

“Siya kasi ang nagpaplano sa mga itine­rary. Mostly her. Pero ‘pag may mga surpri­ses ako, me naman. Ako rin naman,” sabi na lang ni Arjo.

Well, mababasa nga na marami na rin ang kinikilig sa tuwing ipinaparamdam, ipi­nangangalandakan ni Arjo ang matinding pagmamahal niya kay Maine. Sabi nga ng mga fan, wala na silang pakialam sa mga nagne-nega, dahil mas mahalaga na para sa kanila na makitang masaya si Maine sa piling ni Arjo. (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/erich-binuking-ang-mga-sikreto-nina-maine-arjo1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi