Ex-DOT secretary kinasuhan sa ₱2.7M kalendaryo

4 years ago 0 Comments

Naghain ng kasong graft ang Office of the Ombudsman laban kay dating Department of Tourism (DOT) Secretary Ace Durano kaugnay ng pagbuo ng ahensya noong 2009 ng ka­lendaryo na hindi umano dumaan sa public bidding.

Mahaharap sa isang paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Durano gayundin ang mga kap­wa nito akusado na sina Undersecretary Oscar Palabyab, at mga nagsilbi bilang bids and awards committee ng ahensiya na sina Grace Yoro, Eduardo Jarque, Jr., Evelyn Cajigal at Adriana Flor.

Pinasok umano ni Durano ang memorandum of agreement sa kompanyang PDP Digital Inc. (PDPDI) para sa conceptualization at development ng kalendaryo para sa taong 2009 na nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Batay sa Ombudsman, pinirmahan umano ni Durano ang kasunduan matapos maglabas ng certification na nagsasabing ang PDPDI ang magi­ging supplier ng DOT noong Disyembre 2, 2008.

Matapos nito, sinang-ayunan umano ito ng komite nang hindi nagsasagawa ng bidding o industry survey.

Nagrekomenda naman ng P30,000 bilang piyansa para sa mga akusado.

Source From:https://www.abante.com.ph/ex-dot-secretary-kinasuhan-sa-%e2%82%b12-7m-kalendaryo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi