Ex-House Speaker Nograles pumanaw na

4 years ago 0 Comments

SUMAKABILANG-BUHAY na si dating House Speaker Prospero Nograles.

Ito ang inihayag ng kanyang anak na si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa media.

Ayon kay Nograles, mapayapang yumao ang kaniyang 71-anyos na ama sa piling ng kanilang pamilya.

“Our family would like to express our deepest gratitude to all of you for being a part of Papa Boy Nogie’s life and journey. Papa passed away peacefully, surrounded by his family. May we please ask for your continued prayers. He is finally at peace,” ani Secretary Nograles.

Si Nograles ay naging Speaker noong 2008 na kumakatawan sa unang Distrito ng Davao sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo. (Aileen Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/ex-house-speaker-nograles-pumanaw-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi