DINUKOT ng mga hindi nakilalang kalalakihan ang dating pinuno ng mayor’s anti-crime group (MAC) ng Tanauan City at isang kasama nito sa isang restaurant sa Nuvali, Sta Rosa, City, Laguna Miyerkoles nang gabi.
Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente alas-7:51 sa loob ng Misto Restaurant, sa SEDA Hotel-Nuvali habang kumakain sina Allan Fajardo at Ricky Atienza nang puwersahang ilabas ang mga ito ng mga armadong kalalakihan at isinakay sa puting van.
Mabilis na tumakas ang van patungo sa hindi natukoy na direksyon.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Laguna PNP sa pagdukot.
Nabatid na ang MAC group na pinamumunuan ni Fajardo ay grupong binuo ng napaslang na dating Tanauan City Mayor Antonio Halili mula sa Tanauan Civil Security Unit bilang mga anti-drugs at anti-criminality enforcer ng lungsod. (Ronilo Dagos)
Source From:https://www.abante.com.ph/ex-mac-group-leader-dinukot-habang-kumakain-sa-nuvali.htm