Ex-Senate Sergeant-at-Arms Balajadia pumanaw na

4 years ago 0 Comments

SUMAKABILANG buhay na ang dating Se­nate Sergeant-at-Arms na si Jose Balajadia Jr. nitong Linggo, Hulyo 7, 2019.

Ayon sa anak ni Balajadia na si Jet, pumanaw ang kanyang ama alas-12:50 nang umaga sa Baguio General Hospital dahil sa heart failure.

Ibuburol ang labi ni Balajadia sa St. Peter chapel sa Marcos Highway sa Baguio City hanggang sa Miyerkoles, Hul­yo 10.

Sa Hulyo 11 naman ay ibibiyahe ang labi ng dating Senate Sergeant-at-Arms patungo sa Villamor Air Base sa Huwebes, Hulyo 11, kung saan magkakaron ng military wake sa Libi­ngan ng mga Bayani.

Wala pang ibinigay na eksaktong petsa kung kailan ihahatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ang da­ting opisyal ng Senado.
Nauna rito, kinumpirma ni Senate Presidente Vicente Sotto III ang pagpanaw ni Balajadia.

Samantala, inirekomenda ni Sotto si retired Philippine Air Force Gene­ral Rene Samonte bilang susunod na Sergeant-at-Arms ng Kongreso. (Dindo Matining)

Source From:https://www.abante.com.ph/ex-senate-sergeant-at-arms-balajadia-pumanaw-na.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi