Exclusive Chinese resto bawal sa Boracay — DILG

4 years ago 0 Comments

KINASTIGO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga may-ari ng restaurant sa Boracay na karamihan ay mga Chinese national na maging accommoda­ting hindi lamang sa kanilang mga kababa­yan kundi sa lahat ng mga turistang namamasyal sa sikat na isla.

Sa press conference, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III, na kaila­ngang sabihan ng local government unit (LGU) ng Malay, Aklan ang mga Chinese restaurant owner na maging ‘open’ sa lahat ng mga turista hindi lamang sa mga Chinese.

Ito ay bunsod na rin ng maraming reklamo mula sa mga turista at lokal na residente na hindi sila makapasok at makakain sa mga Chinese restaurant dahil exclusive ito sa mga Intsik dahil pawang nakasulat sa Chinese cha­racters ang mga menu at hindi nila mabasa at maintindihan.

“Since this is a tou­rist destination, the LGU will advise the restaurants.

They should be advised that it is for the general public and nobody should be driven away,” sabi ni Densing.

Ipinarating na umano nila ng isyu sa Boracay Inter-Agency Task Force na nagbunsod sa pagbubuo ng ad hoc committee na nag-aatas sa mga Chinese establishments na sumunod sa mga permit at licenses, bukod pa sa paglalagay ng mga English na salita sa kanilang mga restaurant upang mas maintintihan ng marami.

Layon ng ad hoc committee na maitama agad ang mga maling pamamalakad sa Boracay. (PNA)

Source From:https://www.abante.com.ph/exclusive-chinese-resto-bawal-sa-boracay-dilg.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi