Fajardo natalo, nagutom, babawi!

4 years ago 0 Comments

KRAKEN WALANG KABA

Finals Game 2 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — Magnolia vs. SMB
(Hotshots lead series 1-0)

NASAYANG ang monster game ni June Mar Fajardo, pero hindi nababahala ang 6-foot-10 slot man kahit naunahan ang San Miguel Beer PBA Philippine Cup Finals.

Nagposte si Fajardo ng 35 points at 21 rebounds sa halos 40 minutes pero kinapos ang Beermen sa Magnolia Hotshots 99-94 Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa sobrang kayod ng The Kraken pagkatapos ng laro, sandali lang nagpaunlak ng interview sa sportswriters dahil may gagawin daw siya.

“Nagugutom ako,” anang five-time MVP. “Sobrang gutom na gutom ako.”
Naiiwan ang Beer 88-79, kinamada ni Fajardo ang lahat ng sumunod na 15 points ng team, huli ang dalawang free throws para idikit 95-94 1 ½ mi-nutes pa.

“Kailangan ko umiskor eh. Hinaha-nap nila ako, pinapasahan nila ako kaya kailangan ko mag-contribute,” dagdag ni Fajardo.

Pero wala nang naipasok na field goal ang SMB, sablay ang mga tira nina Chris Ross, Arwind Santos at Marcio Lassiter mula sa labas ng arc.
Sa kabila, sumagot ng jumper si Ian Sangalang at sinelyuhan ng apat na free throws ni Paul Lee ang panalo.

Ang kinaganda, ayon kay Fajardo ay race-to-four ang series. Kailangan nilang bumawi umpisa sa Game 2 mamaya sa Big Dome din. (Vladi Eduarte)

Source From:https://www.abante.com.ph/fajardo-natalo-nagutom-babawi.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi