Felipe, 3 pa pepedal sa Indonesia

3 years ago 0 Comments

APAT na Continental riders mula sa 7Eleven Cliqq Air21 Road Bike Philippines at Go For Gold ang sasabak sa kanilang final 30th Southeast Games exposure sa 9-stage Tour de Singkarak sa Indonesia.

Sila ay sina Marcelo Felipe at Nichol Pareja ng 7Eleven at GFG riders Ismael Grospe at Jonel Carcueva kasama ang ibang miyembro ng team sa West Sumatra, 2.2 UCI race.

Ang 9-day race ay bilang paghahanda sa SEA Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Halos 100 riders ang kasali kabilang ang Terengganu at Sapura, Malaysia, Thailand National Team, Indonesia’s PGN, KFC at National squad sa TDS.

Sasalang para sa 7Eleven sina Rustom Lim, Rjay Peralta at Jinggo Tabayoyong habang sa Go for Gold ay sina Daniel Ven Carino, Ryan Cayubit, Jericho Lucero at Ronnel Hualda.

Aarangkada sina Felipe, Grospe at Carcueva sa SEAGames sa road kasama sina El Joshua Carino at Junrey Navarra ng PNSI. (Elech Dawa)

Source From:https://www.abante.com.ph/felipe-3-pa-pepedal-sa-indonesia1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi