Female personality kakaiba ang ritwal sa sugalan

4 years ago 0 Comments

May kakaiba palang ritwal ang isang kilalang female persona­lity kapag naglilibang-libang siya at nagtatanggal ng stress sa isang malamig, mausok at mataong lugar.

Hindi naman siya sugarol, maliit lang siyang tumaya sa paborito niyang game, pero palagi siyang pinagkukuwentuhan ng mga nandu’n dahil sa kakaiba niyang drama.

Kuwento ng aming source, “In fairness, kahit nagkakaedad na siya, e, maganda pa rin! Lumaki lang siya, nadagdagan ang timbang niya, pero kabog pa rin niya sa kagandahan ang maraming artista d’yan!

“Kapag pumipindot siya at nabibigyan ng free games, meron siyang inuusal-usal sa harapan ng makina, siya lang ang nakakaintindi ng mga sinasabi niya, may pahawak-hawak pa siya sa machine!

“Pinagtitinginan siya ng mga naglalaro, kasi nga, parang kakaiba ang ritwal niya, nagdarasal siya na parang nagtsa-chant ng kung anu-ano!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ang nakakatuwa sa kanya ay hindi siya nagdi-disguise, lantaran niyang ipinakikita ang mukha niya sa publiko, hindi siya nahihiyang makita du’n ng mga usisero.

Patuloy ng aming source, “Hindi siya katulad ng ibang persona­lities na nagsusugal na kung anu-anong pagtatago sa image nila ang ginagawa.

“Meron pa ngang isang female personality na nagpepeluka! Yes! Naka-wig siya habang pumipindot, itinatago pa niya ang face niya sa mga nandu’n, palagi niyang isinasabog ang hair niya sa face niya!

“‘Yung female perso­nality na ‘yun ang talagang sugarol dahil gabi-gabi siyang nandu’n, malakas siyang mag-bet, kaya kilalang-kilala na siya sa casino na ‘yun!

“Hindi siya tulad ng female personality na nagtsa-chant, pabarya-barya lang siyang tumaya, nagtatanggal lang siya ng stress.

Nakakaaliw nga ang babaeng ‘yun, tinatawag pa niya ang mommy niya kapag nagpi-free games siya para gabayan siya!

“Kaso, palagi naman siyang olat, mabagal magbigay ng biyaya ang machine, tulad niya rin na mabagal gumalaw at parang pagong kung kumilos!” tawa pa rin nang tawang kuwento ng ­aming source.

Aiko ‘di patatalo sa mga kalaban ni Khonghun

Halos sa Zambales na naninirahan ngayon si Aiko Melendez bilang suporta sa kanyang karelasyong si Mayor Jhay Khonghun na tumatakbong vice-governor ngayon ng probinsiya.

Hindi puwedeng pabayaan ni Aiko si Mayor Jhay, naging mabuti sa kanya ang pulitiko, ang respetong ibinibigay kay Aiko ng kasalukuyang mayor ng Subic ay hindi matatawaran.

‘Yun ang dahilan kung bakit umalma na ang aktres at sinagot ang mga akusasyon sa kanya bilang kabit ng pulitiko, puro patagilid ang upak sa kanya ng babaeng kalaban sa posisyon ng kanyang boyfriend, ginagawa siyang blind item sa social media.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi