Fil-Am Martin posible sa Gilas

4 years ago 0 Comments

HANGAD ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na makuha si Filipino-American Remy Martin hindi lamang para sa nalalapit na FIBA World Cup 2019 kundi pati na sa iba pang internasyonal na torneo sa hinaharap.

Nais ni Guiao na masiguro kung totoong mayroon nang Filipino passport ang manlalaro sa NCAA Division 1 sa Arizona State upang malaman kung papayagan ito ng FIBA para makalaro sa Pilipinas.

“Kung willing siya talaga maglaro para sa national team, kaila­ngan niya magpunta mismo sa praktis ng team at saka niya ipa­kita doon kung ano man ang talent at husay niya,” sabi ni Guiao.

Muling ipinadama ng nasa ikalawang taon sa Sun Devils na si Martin ang kanyang pagnanais makalaro sa Pilipinas sa pag-post ng mensahe nito sa kanyang Instagram.

Ang 20-anyos at 6-foot guard na si Martin ay kabilang sa binubuo ng Gilas Pilipinas na ‘23 for 23’ program na isasabak naman sa FIBA World Cup na iho-host ng Pilipinas sa 2023. (Lito Oredo)

Source From:https://www.abante.com.ph/fil-am-martin-posible-sa-gilas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi