Final na! Low-risk area balik sa GCQ

3 years ago 0 Comments

Kinumpirma ng Malacañang na ang mga lugar na klinasipika bilang low risk area sa coronavirus disease outbreak ay isasailalim sa general community quarantine sa Mayo 16.

Ito’y matapos ianunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes na ang ilang lalawigan at siyudad na low risk sa COVID-19 ay aalisin na ang community quarantine o lockdown.

“Kahapon ay napagkasunduan na maglabas ng IATF Resolution No. 35-A. Nag-isyu ang IATF ng amendments sa Resolution No. 35 na simula May 16 ang mga probinsya, highly-urbanized cities at independent component cities na classified as low-risk areas ay mapapasailalim pa rin sa general community quarantine,” saad ni Roque.

“Lahat ng parte ng Pilipinas ay nasa ilalim ng general community quarantine, maliban po sa Metro Manila, sa probinsya ng Laguna at sa syudad ng Cebu na mapapasailalim sa modified ECQ (enhanced community quarantine),” dagdag pa niya.

Nitong Miyerkoles ay nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na ang low-risk Covid-19 areas ay isasailalim sa modified GCQ bunsod ng pangamba ng mga lokal na opisyal ng gobyerno na muling kumalat ang virus.

“Maraming mga local chief executives, governors at mayors na nagsagawa ng petition, requests at sinasabi na hindi pa sila handa para tanggalin ang community quarantine,” paliwanag ng DILG chief. (Prince Golez)

Source From:https://www.abante.com.ph/final-na-low-risk-area-balik-sa-gcq.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi