Pinagpipiyestahan ngayon ang reklamong sexual harassment ng maganda at sexy na flight attendant laban sa golfer na kapatid ng kilalang politiko.
Ayon sa aking bubwit, nangyari ang sexual advances at harassment ng golfer kay pretty stewardess sa high-end at exclusive na golf club sa Southern Manila kung saan madalas tambay ang golfer.
Sabi pa ng aking bubwit, mukhang mabigat ang ginawa ni golfer kasi galit na galit sa kanya ang flight attendant.
Maganda at sexy si miss flight attendant na maagang nabiyuda kaya pinag intresan ni golfer.
Sa galit ng flight stewardess sa golfer ay gumawa sya ng pormal na reklamo sa golf club laban sa kanyang sexual harasser.
Ang petmalu rito mga pare at mare, marami na palang ibang babae sa golf club na ginawan ng kahalayan ni golfer.
Kumbaga ay biglang tumayo at nagsalita ang iba pang biktima ni golfer nang mabalitaan ang reklamo ni sexy stewardess.
Ayon sa aking bubwit, kabilang sa biglang nagsalita tungkol sa inabot nyang kahalayan sa golfer ay ang golf club nurse na dinakma umano nito sa ari at isang waitress sa club restaurant na biniktima rin umano ni golfer ng malalaswang kilos at salita.
Alam nyo ba mga pare at mare ang desisyon ng golf club management sa reklamo ni pretty flight attendant laban sa golfer, at kahit may iba pang nagsalita na rin laban sa salarin ? Reprimand.
Tsk tsk iba talaga ang nagagawa ng pakikisama, close kasi si golfer sa mga opisyal ng golf club, barkada sila kumbaga, kaya absuwelto sya.
Ang naglakas loob na labanan ang gumawa sa kanya ng kababuyan ay si pretty flight attendant ‘M’ ng Philippine Airlines habang ang golfer naman na sexual harasser ay si ‘T’ na kapatid ng isang senador.
Source From:https://www.abante.com.ph/flight-attendant-minanyak-ng-utol-ng-politiko.htm